Sa Ngalan ni Allâh, ang Pinakamahabagin, ang Napakamaawain at Ganap na Mapagmahal. 

1. Papuri ay maging kay Allah na nagsiwalat ng Kasulatan sa Kanyang tagapaglingkod, at hindi naglagay sa loob noon ng alinmang kabaluktutan,

2. (Nguni’t gumawa nitong) tuwid upang magbigay ng babala ng mahigpit na parusa galing sa Kanya, at magdala sa mga naniniwalang gumagawa ng mabuting mga gawa ng balitang ang kanila ay magiging isang makatarungang gantimpala.

3. Sa loob noon sila ay mamamalagi kailanman;

4. At magbabala sa mga yaong nagsasabing si Allah ay pumili ng isang anak na lalaki,

5. (Isang bagay) na doon sila ay walang kaalaman, o ang kanilang mga ama. Nakahihindik ay ang salitang lumalabas sa kanilang mga bibig. Sila ay nagsalita ng wala maliban sa isang kasinungalingan.

6. Ito ay maaari, sakali man, kung sila ay hindi maniwala sa pahayag na ito, na ikaw (Muhamad) ay magpapahirap sa iyong kaluluwa ng hinagpis sa ibabaw ng kanilang mga hakbang ng paa.

7. O! Kami ay naglagay ng lahat na nasa lupa bilang isang palamuti doon upang Kami ay makasubok sa kanila – alin sa kanila ang pinakamagaling sa ugali.

8. At O! Kami ay gagawa sa lahat ng nasa loob noong isang tigang na tambak.

9. O ikaw ba ay mag-aakalang ang mga Tao ng Yungib at ang Nakasulat ay isang kababalaghan sa Aming mga kababalaghan?

10. Nang ang mga kabataan ay tumakas patungo sa Yungib bilang kublihan at nagsabi: Aming Panginoon! Bigyan kami ng awa galing sa Iyong harapan, at ihugis para sa amin ang wastong ugali sa aming kalagayan;

11. Pagkatapos Aming tinakpan ang kanilang pandinig sa Yungib para sa isang bilang ng mga taon.

12. At pagkatapos Aming itinayo silang pataas upang Kami ay makaalam kung alin sa dalawang bahagi ang pinakanakatatantiya ng panahong sila ay naghintay.

13. Kami ay nagsalaysay sa iyo ng kanilang kasaysayang may katotohanan, O! sila ay mga batang kalalakihang naniwala sa kanilang Panginoon, at Kami ay nagparami sa kanila sa patnubay.

14. At Aming ginawang matatag ang kanilang mga puso nang sila ay tumayo sa pangmasid at nagsabi: Ang aming Panginoon ay ang Panginoon ng mga langit at ng lupa. Kami ay tumawag sa walang maykapal bukod sa Kanya, para sa gayon kami ay magsasabi ng isang kalabisan.

15. Ang mga ito, aming mga tao, ay pumili ng (ibang) mga maykapal bukod sa Kanya bagama’t sila ay nagdala ng walang maliwanag na panagutan (na ipinagkaloob) sa kanila. At sino ang gumawa ng higit na malaking kamalian kaysa kanyang tumuklas ng isang kasinungalingan tungkol kay Allah?

16. At nang kayo ay umurong sa kanila at ang mga bagay na kanilang sinasamba maliban kay Allah, ay kumuha sa inyong mga sarili patungo sa Yungib: ang inyong Panginoon ay maglaladlad para sa inyo ng Kanyang awa at maglalagay sa inyong mga gawang maginhawa at may kaluwagan.

17. At ikaw ay makakakita ng araw sa pagtaas nitong gumalaw palayo sa kanilang yungib patungo sa kanan, at kapag ito ay bumaba pumuntang padaan sa kanila sa kaliwa, at sila ay nasa hati doon. Iyan ay (isa) sa mga kababalaghan ni Allah. Siyang pinatnubayan ni Allah, siya talaga ay ginabayang matuwid, at siyang Kanyang ipinadala sa pagkaligaw, para sa kanya ikaw ay hindi makatatagpo ng isang tagapatnubay na kaibigan.

18. At ikaw ay mag-iisip na sila ay gising bagama’t sila ay natutulog, at Aming ginawa silang pumihit paibabaw sa kanan at sa kaliwa, at ang kanilang asong nag-uunat ng kanyang dalawang harapang paa sa pasukan: kung iyong napagmasdan silang malapitan, ikaw ay talagang pipihit palayo sa kanila sa pag-alis, at talagang puno ng mapitagang pagkatakot sa kanila.

19. At sa katulad na pangyayari, Kami ay gumising sa kanila upang sila ay magtanong isa sa isa pa. Isang tagapagsalita sa kanila ang nagsabi: Gaano katagal kayo namahinga? Sila ay nagsabi: Kami ay namahinga ng isang araw o ilang bahagi ng isang araw. (Ang mga iba ay) nagsabi: Ang inyong Panginoon ay pinakanakaaalam ng anong inyong pamamahinga. Ngayon magpadala ng isa sa inyong may dala nitong inyong pilak na salapi sa lungsod, at pabayaan siyang makakita kung anong pagkain ang pinakadalisay doon at magdala sa inyo ng isang pangangailangan doon. Pabayaan siyang maging magalang at pabayaan siyang hindi magpabatid sa sinuman tungkol sa inyo.

20. Sapagka’t sila, kung sila ay dumating sa pagkaalam sa inyo, ay babato sa inyo o magpipihit sa inyong pabalik sa kanilang pagsamba; pagkatapos kayo kailanman ay hindi uunlad.

21. At sa katulad na pangyayari Aming ipinaalam sila (sa mga tao ng lungsod) upang sila ay makaalam na ang pangako ni Allah ay tunay; at para sa Oras, walang pag-aalinlangan tungkol dito. Nang (ang mga tao ng lungsod) ay nagtalo sa kanilang kalagayan sa kanikanilang mga sarili, sila ay nagsabi: Magtayo sa ibabaw nila ng isang gusali; ang kanilang Panginoon ay alam ang pinakamabuti tungkol sa kanila. Ang mga yaong nagwagi ng kanilang ibig ipasabi ay nagsabi: Kami talaga ay magtatayo ng isang lugar ng pagsamba sa ibabaw nila.

22. (Ang ilan ay) nagsasabi: Sila ay tatlo, ang kanilang aso ang pang-apat, at (ang ilan) ay nagsasabi: Lima, ang kanilang aso ang pang-anim, nagtatantiya sa paghula; at (ang ilan) ay nagsabi: Pito, at ang kanilang aso ang pangwalo. Sabihin (O Muhamad): Ang aking Panginoon ay pinakanakababatid ng kanilang bilang, Walang nakaaalam sa kanila maliban sa isang kaunti. Kaya huwag makipagtalo tungkol sa kanila maliban kung may kasamang isang labas na salita sa pakikipagtalo, at huwag humingi sa alinman sa kanilang magsiwalat tungkol sa kanila.

23. At huwag magsabi ng alinmang bagay; O! ako ay gagawa niyan sa kinabukasan;

24. Maliban kung inibig ni Allah. At alalahanin ang iyong Panginoon kung ikaw ay makalimot, at sabihin: Maaaring ang aking Panginoon ay pumatnubay sa aking patungo sa higit na malapit na landas ng katotohanan kaysa dito.

25. At (sinabing) sila ay namahinga sa kanilang Yungib ng tatlundaang taon at dagdag na siyam.

26. Sabihin: Si Allah ay pinakanakababatid kung gaano katagal sila namahinga. Ang Kanya ay ang hindi nakikita sa mga langit at sa lupa. Gaano kaliwanag ang Kanyang paningin at kalakas ang pandinig! Sila ay walang kaibigang tagapagtanggol bukod sa Kanya, at Siya ay gumawa ng wala upang makibahagi sa Kanyang pamamahala.

27. At bumigkas niyang isiniwalat sa iyo sa Kasulatan ng iyong Panginoon. Walang makapagbabago ng Kanyang mga salita, at ikaw ay hindi makatatagpo ng kublihan bukod sa Kanya.

28. Pigilin ang iyong sarili kasama ang mga yaong tumatawag sa kanilang Panginoon sa umaga at sa gabi, humahanap ng Kanyang pagsang-ayon; at huwag pabayaang ang iyong mga mata ay makalingat sa kanila, minimithi ang karangyaan ng buhay sa daigdig; at huwag sumunod sa kanyang ang puso ay Aming ginawang walang pansin sa Aming alaala, na sumusunod sa kanyang sariling kalaswaan at ang kanyang kalagayan ay pinabayaan.

29. Sabihin: (Ito ay) ang katotohanan galing sa Panginoon ninyo (lahat). Pagkatapos sinumang may ibig, pabayaan siyang maniwala; at sinumang may ibig, pabayaan siyang hindi maniwala. O! Kami ay naghanda para sa mga hindi naniniwala ng Apoy. Ang tolda nito ay pumapalibot sa kanila. Kung sila ay humingi ng ulan, sila ay pauulanan ng tubig tulad sa tunaw na tinggang sumusunog sa mga mukha. Nakasisira ang inumin at masakit ang lugar na pahingahan!

30. O! para sa mga yaong naniniwala at gumagawa ng mabuting mga gawa – O! hindi Namin kayang mawala ang gantimpala ng sinumang gumawa ng isang mabuting gawa.

31. Para sa ganyan, ang kanila ay magiging mga Hardin ng Eden, sa loob noon ay mga ilog na dumadaloy sa ilalim nila; sa loob noon sila ay pagkakalooban ng mga panlagay sa bisig na ginto at magsusuot ng luntiang mga damit ng pinakamanipis na sutla at burdang gintong namamahinga sa mga trono sa loob noon. Pinagpala ang gantimpala, at makatarungan ang lugar na pahingahan!

32. Maghambing para sa kanila ng isang katulad: Dalawang kataong sa isa sa kanila Kami ay nagtakda ng dalawang hardin ng mga ubas, at Aming pinalibutan ito ng mga deitpalma at inilagay Namin sa pagitan ng dalawa ang bukirin.

33. Bawa’t isa sa mga hardin ay nagbigay ng bunga nito at nagtago ng wala doon. At Aming ginawang ang isang ilog ay bumulwak sa pangmasid sa loob noon.

34. At siya ay may bunga. At siya ay nagsabi sa kanyang kasama, nang siya ay makipag-usap sa kanya: Ako ay higit kaysa iyo sa kayamanan, at higit na malakas sa paggalang ng mga tao.

35. At siya ay nagpunta sa kanyang hardin, samantalang siya (sa gayon) ay gumawa ng mali sa kanyang sarili. Siya ay nagsabi: Hindi ko iniisip kailanmang ang lahat ng ito ay mamamatay.

36. Hindi ko iniisip kailanmang ang Oras ay darating; at kung talagang ako ay dinalang pabalik sa aking Panginoon, ako talaga ay makatatagpo ng higit kaysa dito bilang isang kublihan.

37. At ang kanyang kasama, nang siya ay nakipagtalo sa kanya, ay sumigaw: Hindi ka ba naniniwala sa Kanyang lumikha sa iyo sa alabok, pagkatapos sa isang patak (ng binhi), at pagkatapos ay humubog sa iyong isang tao?

38. Nguni’t Siya ay si Allah, aking Panginoon; at ako ay naghambing sa aking Panginoon ng walang katambal.

39. Kung nang ikaw ay pumasok sa iyong hardin, ikaw lamang ay nagsabi: Iyang inibig ni Allah (ay darating padaan)! Walang kapangyarihan maliban kay Allah! Bagama’t iyong nakikita akong higit na kaunti kaysa iyo sa kayamanan at mga anak,

40. Maaaring ang aking Panginoon ay magbibigay sa akin ng higit na magaling kaysa iyong hardin, at magpapadala dito ng isang kidlat galing sa langit; at sa ilang umaga, ito ay magiging isang pantay na tabingbundok;

41. O sa ilang umaga, ang tubig doon ay mawawala sa lupang ikaw ay hindi makagagawang humanap nito.

42. At ang kanyang bunga ay itinakda (na masira). Pagkatapos siya ay nagpasimulang magpiga ng kanyang mga kamay para sa lahat ng kanyang ginugol dito, nang (sa gayon) ito ay wasak lahat sa mga balag nito, at nagsabi: Ako dapat ay naghambing ng walang katambal sa aking Panginoon!

43. At siya ay walang pulutong ng mga taong tutulong sa kanya laban kay Allah, o siya ay makasasagip sa kanyang sarili.

44. Sa kalagayang ito, ang pagtatanggol ay galing lamang kay Allah, ang Totoo. Siya ay pinakamagaling para sa gantimpala, at pinakamagaling para sa kinalabasan.

45. At maghambing para sa kanila ng katulad ng buhay sa daigdig tulad sa ulan na Aming ipinadalang pababang galing sa langit, at ang pananim ng lupa ay sumanib dito at pagkatapos ay naging tuyong mga sangang maliit na ikinalat ng mga hangin. Si Allah ay Kayang gumawa ng lahat ng mga bagay.

46. Kayamanan at mga anak ay isang palamuti ng buhay sa daigdig. Nguni’t ang mabuting mga gawang tumatagal ay higit na mabuti sa paningin ng iyong Panginoon bilang gantimpala, at higit na mabuti tungkol sa pag-asa. (May Karugtong) Sura 18: 1:110