Trailer ng ‘This Time I’ll Be Sweeter’ pinag-uusapan

“Kaya ko palang maging Cathy Garcia-Molina,” sey ni direk Joel Lamangan during the presscon of This Time I’ll Be Sweeter, ang Regal Films’ movie nina Barbie Forteza at Ken Chan.

Ngayon lang daw kasi siya nakagawa ng romcom na “trailer” pa lang ay pinag-uusapan na lalo na ng mga millenials.

“Ang sarap din sa feeling. Napaka-gagaling ng mga batang artistang ito. I’m proud to say na dito lang sa pelikulang ito na hindi ako sumigaw o wala akong nasigawan o napagalitan,” kuwento pa ng batikang direktor.

Puring-puri ang maganda at ibang “texture’ ng movie ni direk kaya’t ang lakas daw nitong maka-millenial sa audience.

Well, kung nasabi ni direk Joel na kaya niyang maging direk Cathy (bilang peg sa paglikha ng bonggang romcom movies), well, we need to see This Time I’ll Be Sweeter dahil hindi lang niya kami fan o kaibigan namin si Barbie na bida, kundi feeling din naming “this time ay sweeter” nga si direk Joel.

-o0o-

Muli kaming naimbitahan ni Congressman Joey Salceda sa kanyang distrito sa Albay province last October 12, for the formal opening of his Congressional Cup.

Bitbit namin ang apat na Bicolano players na pawang mga nasa PBA na (marama na palang mga Bicolano players ang nasa liga ngayon) at napaka-game nila sa halos maghapong parada, rampahan ng mga muses, at opening ceremonies sa Legaspi Coliseum.

Umabot ng 118 basketball teams ang nag-participate bilang patunay na numero pa ring sport ng bansa ang basketball.

Ang apat na PBA players na nagpasaya sa mga Oragon from Bicol (may mga sumali rin from nearby provinces like Sorsogon and Camarines Sur) ay sina Alex Nuyles, who plays for Tropang Talk & Text. Tubong Camalig, Albay si Alex at dun siya lumaki at nag-aral bago dumayo sa Adamson University at naglaro sa UAAP then sa PBA nga.

Ang kapwa niya taga-Adamson na si John Rodney Brondial ay tibong Tabaco, Albay naman. Kung moreno ang peg ng kaguwapuhan ni Alex, tisoy naman ang lahi ni Rodney dahil Australian ang tatay nito. In fact, kamukhang-kamukha ni Rodney ang aktor na si Matt Evans. Sobra nga lang ang tangkad niya sa kanyang 6’5” na taas. Sa PBA team na Stars Purefoods naman siya naglalaro.

Winner din ang appeal ni Almond Vosotros na taga-Gilas team naman. Sa La Salle nag-aral at naglaro for UAAP si Almond na tubong Daraga, Albay ang ina, at Tabaco, Albay naman ang ama.

Si Reil Cervantes ng Legaspi City ay naglalaro naman for Blackwater Elite after manggaling sa ibang teams like Ginebra San Miguel at Kia Sorento.

Nakakaloka lang dahil para na pala namin silang mga anak dahil sila nga itong bagong mga usbong na players sa liga, which we covered from 1987-2006.

Kaya naman aligagang-aligaga rin kami sa pag-istima sa kanila along with Cong. Joey at ang bonggang Chief of Staff niyang si Atty. Caroline Cruz o Atty. Ganda

Three months na tatakbo ang liga, kaya’t sa mga Kababayan nating nagbabalak masaksihan ito, maabutan ninyo pa ang liga ngayong Christmas holidays until New Year!

Comments

comments

Recommended For You

About the Author: admin