Pagbabagong anyo ni Xander Ford pinag-uusapan

Nag-viral at sobra ring pinag-usapan ang episode ng Rated K ni Korina Sanchez kung saan sinubaybayan ang naging transformation ng dating youtube sensation na si Marlou Arizala na ngayo’y si Xander Ford na.

Halos mahigit isang buwan din kasing ipinapakita ng programa ni Korina ang ginawang major make-over sa binatilyong aktor na noon pa naghangad makahilera sa kaguwapuhan sina Daniel Padilla at Enrique Gil at ibapa.

Nadiskbre ang kakaibang talent ni Xander sa youtube at nakalabas na din ito sa maraming shows sa ABS-CBN, hanggang sa maging regular ito sa sitcom nina John Lloyd Cruz at Toni Gonzaga na Home Sweetie Home.

Sa bagong hitsura ngayon ni Marlou aka Xander, hindi nga imposibleng mabigyan ito ng maraming projects.

Pipilitin daw nitong maging ka-love team si Miles Ocampo na siyang love interest niya sa Home Sweetie Home.

And yes, bigla ngang sumikat ang mga doktor, dentista, surgeon at ospital na nag-sponsor sa naturang make-over ni Xander.

Mula ilong, baba, mga ngipin, pisngi, kilay at mukha, wala na ngang trace ng anumang “kapangitan” sa pisikal na anyo ni Xander. Inililibing na rin daw niya ang name niyang Marlou Arizala.

 

-o0o-

 

Kilala at pinagkakatiwalaan ng iba’t ibang commercial brands at services ang pamilyang Legaspi sa pangunguna ni Zoren Legaspi at asawa nitong si Carmina Villarroel kasama ang mga kambal nilang sina Cassandra and Maverick, o simpleng sina Cassy at Mavy sa showbiz.

Kamakailan nga lamang ay muli silang nagsama-sama sa matatawag na “family outing” bilang mga bagong endorsers o “brand ambassadors” ng “one-stop-shop drugstore,” na CitiDrug.

Bilang isang competitive generics at branded medicines pharmacy, ipinagmamalaki rin ng CitiDrug ang pagkakaroon nila ng mga dagdag na serbisyo sa mga outlets nila gaya ng pagkakaroon ng ‘convenient store, bills payment services, at loading stations.

Naniniwala ang CitiDrug na ang showbiz family ng Legaspi ay kumakatawan sa kanilang “core values” na mapagkakatiwalaan, nagkakaisa sa pagmamahalan at tunay na naniniwala sa produkto o serbisyong ini-endorso nila.

“Their family being caring and nurturing as it is strong and united is what matches the brand,” susog kapwa nina Dr. Enrico Sta. Ana at William Scheirman, President at CFO ng Xentro Lifestyle, Inc., sa ginanap na re-launch ng CitiDrug sa The Marquis Events Place at the Park Triangle sa BGC, Taguig noong nakaraang Sabado.

Masayang-masaya ang buong pamilya nina Zoren at Carmina dahil bilang mga hands-on parents at naniniwala sa maganda at maayos na kalusugan ng pamilyang Pilipino, matutupad na nga ang isa sa mga pangarap ni Carmina na magkaroon ng isang botika na naruruon na ang lahat.

“Para sa Pamilyang Pilipino talaga,” tsika pa ni Carmina sa mga serbisyo at mga ilalaman ng CitiDrug. Kaya nga noong open forum ay nasambit ni Carmina na long-cherished dream niya ang maging isang pharmacist.

“I’ve always imagined myself at the counter dressed as a pharmacist. Yung ako talaga yung magbabasa ng reseta, maghahanap sa counter, mag-aabot sa tao, yung mga ganun,” saad ng aktres. Kaya naman siniguro ng management ng CitiDrug na bilang bahagi ng kanilang pagiging ambassadors ay ang pagkakaroon nila ng franchise ng CitiDrug.

“Having a loading station and bills payment services inside the pharmacy is just cool. Sounds so exciting,” komento naman ni Cassy na ayon kina Carmina at Zoren ay siyang nakamana ng “body clock” nila sa showbiz.

“Si Mavy kasi, siya yung tipong mas gustong natutulog at nagpapahinga sa oras. Sa ngayon aside from sports, masaya na siyang maging Escort ng Bayan sa mga ‘sweet 16’ events o parties,” kuwento naman ni Zoren.

Kung meron mang “common” sa pagdidisiplina ng mag-asawa sa mga anak nila, ay ang pagtuturo sa mga ito ng value ng pera. “The money they earn from their guestings, for example, is theirs. They can spend it the way they want it provided they spend it wisely,” pahayag ng mag-asawa.

Samantala, sa ilalim ng bagong pamumuno nito lamang May 2017 at sa lumalaking bilang ng halos 60 CitiDrug operational outlets, looking forward ang CitiDrug na makapagpatayo ng aabot sa 300 company-owned at franchise stores sa buong bansa. May dagdag bonggang balita pa dahil nag-ooffer ito sa ngayon ng “discounted franchise packages” sa unang 100 interested applicants. Kaya sa mga interesado, mag-email lamang sa franchising@citidrug.com.ph or call 09277547239 for inquiries.

 

Comments

comments

Recommended For You

About the Author: admin