Kris, walang karapatan na ipagkait kay James ang anak

Ang dugo ay dugo. Kahit pa ipagsigawan ngayon ni Kris Aquino sa buong mundo na ibinigay na sa kanya ng korte ang karapatan para solohin ang kustodiya kay Bimby ay wawasakin ng panahon ang kanyang mga sinasabi.

Hindi niya binuo nang mag-isa ang kanyang anak, may kahalong binhi at dugo ni James Yap ang pagkatao ni Bimby, kaya sa pagdating ng bata sa sapat na gulang ay hahanapin pa rin nito ang kanyang ama.

Kahit pa bulungan nang bulungan ni Kris si Bimby na walang kuwenta ang ama nito ay dugo pa rin ang mas iiral, hahanapin ng bata ang pagkalinga at yakap ni James Yap, harangan man ni Kris ng sibat si Bimby ay paniguradong magaganap ‘yun.

Puwedeng magkaroon ng sama ng loob ang anak sa kanyang magulang, puwede ring nang dahil sa mga bulong at sulsol ay lumalim ‘yun, pero kapag binuksan natin ang puso ng isang anak ay napakahalaga pa rin ng presensiya ng magulang.

Tunay na anak nina James at Kris si Bimby, produkto ito ng kanilang pagmamahalan, imposibleng hindi man lang hanapin ng anak ang kanyang ama. Kung ang mga ampon nga, gumagawa ng paraang makilala-makita ang kanilang pinag-ugatan, ang isang tunay na anak pa kayang tulad ni Bimby ang hindi maghahanap sa basketbolista?

At maling-mali ang pagkaintindi ni Kris sa mga nakaraang komento ni James Yap. Hindi nito sinabing nakakawalang-gana ang pagkaama nito kay Bimby. Ang sinabi ni James ay ang proseso ng kanyang panghihiram kay Bimby na palaging hindi puwede.

‘Yun ang ikinawawala ng gana ng basketball player, ‘yung parang nanglilimos ito ng panahon para makita ang kanyang anak, samantalang napakalinaw naman ng kanilang kasunduan ni Kris sa korte na puwede silang maghiraman kay Bimby.

Sige, nasa kanya na ngayon ang solong kustodiya sa kanyang anak. Sige, hindi na siya umaasa ng sustento mula kay James para kay Bimby.

Pero magiging maligaya ba si Kris Aquino para sa kanyang anak? Puso ba niya ang puso ni Bimby? Maibibigay ba niya ang buong kaligayahan sa kanilang anak ni James Yap?

Anumang hindi kumpleto ay kulang.

-o0o-

Labing-isang araw na nakipaglaban sa buhay si Isabel Granada. October 24 hanggang November 4. Alas kuwatro nang hapon nu’ng Sabado, oras sa Qatar, ay sumakabilang-buhay na ang masayahing singer-actress.

Nu’ng mga unang araw ni Isabel sa ICU ng Hamad General Hospital ay nakakasilip pa ng pag-asa ang kanyang mga mahal sa buhay para sa kanyang paggising. Maganda ang kanyang mga vital signs.

Maayos at normal ang tibok ng kanyang puso, hindi tumataas ang kanyang blood pressure, pero hindi sumasagot ang kanyang sistema sa mga gamot na ibinibigay sa kanya. Mula nu’ng October 24 hanggang nu’ng Sabado ay hindi na nagkamalay si Isabel.

Isang malaking dagok ito para sa malalapit na kaibigan ng singer-actress dahil napakaaktibo niya sa iba-ibang laro. Magaling siyang volleyball player, mahilig din siya sa mountain climbing, gym buff si Isabel.

Napakabata niyang pumanaw sa edad na kuwarenta’y uno. Kasagsagan pa lang dapat ‘yun ng kanyang pagkababae at ng kanyang mga pangarap.

Ang unang naisip namin nang makarating sa amin ang balitang pumanaw na si Isabel Granda ay ang kanyang inang si Mommy Gwapa. Hindi lihim sa amin ang buhay ng mag-ina. Si Isabel ang nag-iisang kayamanan para kay Mommy Gwapa.

Walang bukambibig si Mommy Gwapa kundi si Issa. Mag-iba man ang takbo ng usapan ay ibabalik pa rin ‘yun ni Mommy Gwapa kay Issa. Si Isabel ang buhay ni Mommy Gwapa.

Ang taos-puso po naming pakikiramay sa lahat ng mga mahal sa buhay na iniwan ni Isabel Granada. Mahihirapang tanggapin ni Mommy Gwapa ang kanyang pagkawala pero alam naming matindi ang pananampalataya ni Mommy Gwapa para ipaunawa sa kanya na ang lahat-lahat ng meron tayo sa mundong ito ay hiram lamang.

At anumang hiram, sa takdang panahon, ay kailangan nating isauli-ibalik.

Isang payapang paglalakbay kay Isabel Granada sa isang lugar na wala nang problema, wala nang sakit at wala nang kalungkutan.

BLIND ITEM

Matagal nang nagretiro bilang empleyado ng isang malaking produksiyon ang nakaalala sa kuwentong ito tungkol sa dalawang kontratadong male personalities ng kanilang bakuran.

Parehong miyembro ng isang panghapong programa para sa mga kabataan ang dalawang lalaking personalidad, kinuha silang gumanap sa isang paseksing pelikula, pero sa simula pa lang ang shooting ay nahalata na ng staff and crew na malayo ang dugo nila sa isa’t isa.

Hanggang isang araw ay pumutok na si Actor A, ang kanyang kuda, “Hey, ____(pangalan ni Actor B), huwag kang pabida dito, baguhan ka pa lang!” Mataray ang komento ni Actor A kaya hindi rin nagpatalo si Actor B.

Si Actor B, “You know what, ____ (pangalan ni Actor A), you’re threatened because I’m new and fresh!”

Sagot ni Actor A, “Bakla!” Ang ganti naman ni Actor B, “Look, who’s talking!” Sa inis ni Actor A, hinamon niya ng suntukan si Actor B, magduwelo raw sila para magkaalaman na kung sino ang tunay na lalaki sa kanilang dalawa.

Pero hindi tinanggap ni Actor B ang hamon, sa halip ay mataray nitong sinabi, “Hindi bale na. I have a beautiful face than you, baka masira! No way!”

Ilang taon pagkatapos ay napag-isip-isip ng dating empleyado ng produksiyon na pareho nang nagladlad ng kanilang kasarian ang dalawang personalidad.

Si Actor A ay hindi pa umaamin nang diretso, pero alam na ng karamihan na berde ang kanyang dugo. Si Actor B naman na hindi masyadong nginitian ng kapalaran ang career ay nakarelasyon ng isang dating miyembro rin ng pambagets na show, lantad na lantad ang pagiging bayuta nito, lalo na sa kanyang kaasiman sa pagkokomento.

Kuwento ng retired na naming source, “Come to think of it. Nagbabatuhan sila ng mga salita nu’n, ang tataray nila, walang gustong umamin kung sino sa kanilang dalawa ang bakla!

“Tapos ngayon, after many years, e, kitang-kita naman and ebidensiya na pareho pala silang bayot! May suntukan pa silang sinasabi, e, kurutan at sabunutan lang naman pala ang dapat nilang paglabanan!

“Ang mga bayuta! Pa-briefs-briefs pa sila nu’ng, pero panty pala ang dapat na suot nila!” humahagalpak na komento ng aming source.

Mga kabayan, ilan kaya sa inyo ang mauupo ngayon sa Row 4 na katabi ang umaalingasaw na basurahan?

Comments

comments

Recommended For You

About the Author: admin