Kris Aquino, hindi masaya kapag walang isyu

Nag-iisa talaga si Kris Aquino.

Siya na yata ang klase ng tao na hindi talaga magiging masaya sa buhay kung walang isyung isasali niya ang kanyang sarili.

Sa gitna ng kanyang tila paglubog sa showbiz kumpara sa mga time na powerful siya, mukhang wala namang bago sa paraan niya ng pag-handle ng fame or influence.

Kitang-kita pa rin ang pagiging bratty niya at tila laging pag-iimbita ng “away,” sa mga social media posts or replies niya sa mga comments ng kanyang followers.

Classic example ay yung sobra niyang pagpuri sa academic achievement ng anak na si Bimby (well, that is a given for any mother, it’s just Kris is OA) to the point na nalagay sa pangit na senaryo ang pagkakaroon diumano ng “mas mababang” intellectual capacity ng ex-husband nitong si James Yap.

Kahit ang sikat sa social media na si Xander Ford ay tinaasan nito ng kilay at ipagsigawan pang hindi niya kilala at nababalitaan kahit pa nga social media na lang ang kanyang venues ngayon ng mga emote niya.

Hay naku, mukhang kailangan nga ni Kris ng professional help dahil kakaibang depression o mukha ng pagka-laos ang kanyang kinakaharap sa ngayon.

Kahit nga ang pagiging Aquino niya na noo’y apelyidong super powerful ay sinisisi na niya ngayon?

-o0o-

Bigla tuloy naming naalala ang bonggang anekdota ni nay Lolit Solis hinggil sa sikat na make-up artist na si Bambbi Fuentes.

Sey ni ‘nay Lolit na sa tagal na niya sa showbiz, na more than 40 years na, sari-saring mga tao na ang nakasama at nakatrabaho niya. At kahit daw hindi naman siya mahilig sa make up o outfit, may “K” naman siyang i-rate ang mahuhusay at ang mga hindi mahuhusay.

Sa trabaho, ani nay Lolit, ang talagang nagtatagal, hindi lang ang mga mahusay, dahil mas importante na reliable at professional ka.

Actually, enhancer lang naman daw ang make up, dagdag lang, pero kung confidently beautiful ka, kahit sino ang mag-make up sa’yo, okey lang.

And we agree when she said na ang mga make up artist ng mga artista ang pinakamalapit nilang kaibigan at parang mga confessor, lawyer at doctor nila.

“Parang kambal ang mga ‘yan, sobra ang closeness nila sa isa’t isa to the point na mas marami pang alam ang make up artist tungkol sa artista na kaibigan niya kesa sa ibang tao. Mahalaga na trustworthy, mapagkakatiwalaan, hindi tsismosa, hindi mapanira at hindi intrigera ang make up artist,” sey pa ni nay Lolit.

At sa lahat nga raw ng mga nakilala niyang make up artist, naging kaibigan, at naging close sa kanya si Bambbi Fuentes na itinuturing nitong “gem of a person and holding the magic wand of beauty.”

Hirit pa ni nay Lolit, “did you notice na halos lahat ng Instagram posting ko, sa salon niya ginagawa? Ang salon ni Bambbi ang second home ko, office, lahat-lahat, kasi nga aside from very comfortable ako roon, I feel safe around Bambbi Fuentes, mararamdaman mo ang warmth, sincerity, and sweetness niya.

For more than 20 years, wala akong nakita na pangit sa ugali niya. No wonder for the longest time, she stayed on top at loyal sa kanya ang clients niya, kahit ang mga A-list stars na nasa kanya pa rin. The magic wand of beauty na ginagamit ni Bambbi, hindi

lang sa make up niya nanggaling, dahil nasa puso niya ito.”

Hmmm….parang ang sarap ma-experience ang Bambbi hehehe!

Comments

comments

Recommended For You

About the Author: admin