Kathryn Bernardo, walang oras pumatol sa mga bashers

Right attitude! Elibs ang karamihan at gusto nilang purihin si Kathryn Bernardo sa kanyang approach sa mga bashing na inaabot niya sa social media mula sa mga taong kung tawagin ay walang urbanidad at walang modo.

Quiet lang ang sikat na young actress, wala siyang oras para pumatol pa sa mga taong walang magawa sa buhay.

Ayon sa isang observer ay very commendable raw ang hindi pagpatol ni Kathryn sa mga bashers niya. Ang wish nila ay ma-maintain niya ang ganyan attitude. Dahil sa kanyang pagtrato sa kanyang mga bashers ay ina-admire raw nila si Kathryn Bernardo, saludo ang mga ito sa kanya.

Marunong raw pumili ng papasukang giyera si Kathryn, alam daw niya kung kailan siya kailangang maging palaban at mas lalong alam daw ng young actress kung kailan sayang lang ang kanyang oras.

Ang we agree, tama ang kanyang ginagawa. Sa sobrang pagka-busy ni Kathryn ay dapat rest-rest na lang siya pag may time, deadma sa mga bashers! Bakit pa nga naman niya gagamitin ang natitira niyang energy sa mga taong walang magawa sa buhay?

May kailangang pa bang patunayan si Kathryn Bernardo? Nand’yan ang kanyang pamilya na 100 percent ang support at love-love-love na ibinibigay sa kanya. Nand’yan si Daniel Padilla na anuman ang mangyari ay palaging knight in shining armour niya ang peg? At nand’yan din ang sakrekwang KathNiel fans na kanyang sandata at pinakamalaking puwersa na handang makipagpatayan para sa kanya.

Kaya cool na cool lang ang magaling na young actress. Deadma! Ano pa ang hahanapin niya? Waley na!

-o0o-

Uy, panahon ngayon ng ating mga beauty queens! Waging-wagi lately sa mga international beauty pageants ang gandang-Pinay! Tunay ka, tabi-tabi na muna ang mga dating nagrereyna-reynahan sa pagandahan, panahon ngayon ng mga Pilipinang hindi puwedeng isnab-isnabin sa pandaigdigang pagandahan!

Una ay si Elizabeth Clenci, pasok ang lola n’yo bilang 2nd runner-up sa 2017 Miss Grand International na ginanap sa Vietnam. Nag-iisang Asyanong nakapasok ang Fil-Romanian sa Top 5, kaya naman proud na proud sa kanya ang sangkabaklaang dead na dead sa mga beauty pageants.

Sinundan agad ‘yun ng 1st runner-up placement ni Nelda Ibe sa Miss Globe 2017 na ginanap sa Albania. Bago ang coronation night ay may kumalat pang chika na na disqualify raw ang ating kandidata for an undisclosed reason. Pero hindi nagpakabog sa kanyang mga katunggali ang cadet pilot na mula sa probinsiya ng Tarlac kaya pasok siya sa banga!

Hindi pa man lumalamig ang eksena ni Nelda Ibe sa Miss Globe ay kinoronahan naman si Karen Ibasco bilang Miss Earth 2017 na ginanap mismo sa Pilipinas ang coronation night.

Kabog na kabog ni Karen ang ibang kandidata nang sumalang sila sa question and answer portion. Nagpakitang gilas sa katalinuhan ang tubong-Manilang Pinay na may master’s degree sa Applied Physics at nagtapos bilang cum laude sa UST. Nasungkit ni Karen Ibasco ang ika-apat na Miss Earth crown para sa ating inang-bayan.

Habang kumukulo pa ang pananalo ni Karen sa Miss Earth ay wagi naman si WinWyn Marquez sa Reina Hispanoamericana 2017 na ginanap sa Bolivia. Kabugera ang lola n’yo at hindi talaga nagpaiwan sa labanan sa anumang kategorya hitsurang spokening Kastila pa ang kanyang mga kalaban.

Ingat na ingat ang aktres sa Q & A portion kaya linya-por-linya niyang ipina-translate sa kanyang translator ang kanyang sagot. Ang ending, kinoronahan bilang Reina Hispanoamericana 2017 si Winwyn, kauna-unahan sa isang Pilipina na unang-una ring naimbitahan para sumali sa nasabing beauty pageant. Bongga!

Four-in-a-row! Kaya ang pressure ngayon ay nasa mga kamay nina Mariel de Leon sa Miss International 2017 sa Tokyo, Japan (November 14), Laura Lehmann sa Miss World 2017 sa Sanya, China (November 18) at Rachel Peters sa Miss Universe 2017 na gaganapin sa Las Vegas, Nevada (November 26).

Sunud-sunod ang kaganapan kaya ang tanong ng mga badiching tutok na tutok sa paggandahan–ma-sustain kaya ng tatlong byuting ito ang winning streak ng Pilipinas? Abangan!!!

Yakang-yaka, ika nga, kaya good luck girls!

Comments

comments

Recommended For You

About the Author: admin