Joey Marquez, super proud sa anak na si Wynwyn

Napakalaking balita nga sa showbiz ang panalo ni Wynwyn Marquez dahil dumayo pa ito sa Bolivia para harapin ang Spanish-speaking co-candidates, at manalo bilang Reina Hispanoamericano 2017.

Proud na proud si papa Joey Marquez nang makapanayam namin ito sa aming DZMM teleradyo show na Chismax noong Linggo ng gabi

“Ganun pala ang feeling kapag anak mo ang lumalaban. Parang ako pa yung unang hihimatayin. Nung dalawa na lang sila (ni Miss Curacao na naging first runner-up) hindi ko na talaga kinaya. Pumunta na ako sa loob ng banyo. Ayokong marinig ang anuman dahil for me, winner na ang anak ko anuman. She did her best I am so proud of her. But then again, siyempre ang gusto natin eh makuha niya yung title. After a while, na-confirm na lang ang panalo niya nung magsunod-sunod na ang etxt messages sa phone ko,” kuwento pa ni Joey.

Pero ang pinaka-bonggang part ng aming interview ay nung sabihin ni Joey na may deal pala sila ni Wynwyn.

“Noong magpa-alam siya sa akin na sasali siya uli sa beauty contest eh dinis-courage ko na talaga siya. Sabi ko hindi mo naman kailangan ang beauty title para patunayang maganda at matalino ka. Mas importante sa akin yung titulo mo sa pag-aaral. But then again, persistent siya at sinabing gagawin niya yun hindi lang para sa sarili kundi para sa mga taong naniniwala sa kanya, hanggang manalo nga siya at naging bet natin sa Reina Hispanoamericano. This time, sinabi niyang hindi na lang bilang si Teresita Ssen Marquez siya lalaban kundi bilang isang representative ng Pilipinas. I could not be prouder as a father, lalo pa’t very soon ay alam kong gagawin niya ang naging deal naming kumuha siya ng PhD course on Education, dahil sayang naman kung hanggang Master’s degree lang siya,” salaysay pa ni papa Joey.

Kaya nang i-segue naming tanong na baka delaying tactic niya lang yun for Wynwyn na napapabalitang sobrang involved ngayon sa boyfriend nitong si Mark Herras, sagot ni papa Joey, “ay no comment ako sa bagay na iyan. Basta ang alam ko, masunuring bata ang anak ko at gagawin niya muna ang usapan namin.”

Hehehehe!

-o0o-

Feel na feel ng mga Kimerald fans and supporters ang kasalang naganap sa mga karakter nina Kim Chiu at Gerald Anderson sa teleseryeng Ikaw Lang Ang Iibigin.

Marami ang nagsabing sana nga raw ay totoo na yun at sana nga raw ay magkabalikan sila.

Marami rin ang nagsabing “feel na feel” nila ang naging kissing scene ng dalawa sa naturang wedding scene ng mga karakter nila bilang sina Bianca at Gabriel na ang papasok na sa bagong kabanata ang kuwento.

At least kahit sa soap ay naikasal sila at nasaksihan ng mga fans and supporters nila ang kanilang sweetness as couple.

-o0o-

Speaking of couple, tawa rin kami ng tawa sa ibinahagi ni dear idol-friend-mare naming si Congreswoman Vilma Santos.

Nakapanayam din kasi namin ang magaling na Kongresista ng ika-anim na distrito ng Batangas noong Sunday ng gabi sa Chismax at sinabi nga nitong they were having a belated birthday dinner with her family, Senator Ralph Recto, sons Ryan and Luis with gf Jessy Mendiola and friends.

“Maghintay daw ako ng nine months,” sagot ni Ate Vi sa tanong namin kung ano ba ang regalo sa kanya ng panganay na anak na si Luis.

“Luko-luko talaga iyang isa na iyan. Ayaw na daw niya akong bigyan ng regalo at maghintay na nga lang daw ako ng nine months,” pag-ulit pa ni Ate Vi.

As usual tawa lang ang isinukli ni Luis nang ibigay dito ni Ate Vi ang phone sabay bati sa amin in his normal “comic” manner.

“May bayad naman itong interview na ito di ba Kuya Ambet at ate Gretchen?,” sey nito. Tumawa lang din si Jessy nang hingan namin ito ng reaksyon sa sinabi ng bf.

Halatang-halatang nagkakasayahan nga sila that night at mukhang welcome na welcome na nga sa pamilya nina Ate Vi si Jessy.

Comments

comments

Recommended For You

About the Author: admin