Angelica Panganiban, apektado sa relasyon ni John Lloyd kay Ellen

Nasa Nepal noon sina Glaiza de Castro at Angelica Panganiban nang pumutok ang balita tungkol kina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna.

Si Angelica ang girlfriend ni Lloydie bago pa pumasok si Ellen sa buhay ng Kapamilya actor.

Bago pa nito, marami ang umasa na muling magkakabalikan sina Angge at Lloydie dahil kung ilang beses silang nakita na magkasama pagkatapos nilang maghiwalay.

Pero, dahil sa naglabasang isyu kina Lloydie at Ellen, ano kaya ang naramdaman ni Angelica tungkol dito?

Bilang kaibigan, inalam namin sa Kapuso actress kung nag-open sa kanya ang kanyang kaibigan noong sila ay magkasama abroad?

Pahayag ni Glaiza, “Well, ramdam ko naman na…yung bigat, pero happy siya ngayon, e.

“Oo, after ng trio namin, ang ganda nga, e, kasi spiritual yung naging trip na yun, so, ang dami na ring na-realize.

“‘Tapos, every time na naaalala niya yung past, lagi kong sinasabi sa kanya na, ‘Tara, saan tayo pupunta?’

“Tina-try ko na ‘wag mag-dwell dun.

“Tina-try ko na ilagay siya dun sa mas mga positive na experience.

“Para ‘wag masyado na…”

Ano ba ang mga emote sa kanya ng kanyang kaibigan?

Aniya, “Wala, tinigilan na niya na rin.

“Kumbaga, tinigilan na niya yung pag-e-emote.

“Parang wala na kasing sense na magalit o isipin pa niya yun.

“Kaya, focus na lang kami dun sa mga kanta namin”

Sa tingin ba niya ay nasasaktan pa rin ang kanyang kaibigan o nakapag-move on na rin ito sa nakaraang relationship kay Lloydie.

Ayon sa 29-year-old singer-actress, “Para sa akin kasi, ayoko nang pag-usapan.

“Ayoko na ring pag-usapan, dahil para sa akin, hindi ko na yun business, ‘di ba?

“Kung meron siyang gustong i-share, makikinig lang ako.

“Pero kung wala, ,e, ‘di focus ako sa mga adventure namin.”

Sa ngayon nga ay lantad na lantad na ang relasyon nina Lloydie at Ellen na nasa Europe ngayon, kaya pakiramdam na rin ni Glaiza ay inaasikaso rin ni Angelica ang sarili nitong buhay at kaligayahan.

Comments

comments

Recommended For You

About the Author: admin